.
![]() | ||
antics :: an-tics [an-tiks] ;funny gestures, a playful trick or prank. a buffoon, clown. rediculous interlude. ludicrous, funny. | ||
♥···name :: aubrey a.k.a. ohberry [oh! berrrrry]
| ||
August 2006 September 2006 October 2006 November 2007 December 2007 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 April 2009 June 2009 | ||
MY FRIENDS
+CFCYouth +CFCMULTIPLY +HurricaneKerrie +Superitik +LeoWyatt +Elibogs +Badge +DonnaBanana +Macoy +Roxy Heart +Kimber-ly +Witerary +MikeMina +AprilTheStrange Other Sites Worth Visiting +Jumong +Dooce Shag me... - Brandy Lyrics |
.
muni muni..... ang sabi ng lipunan, hindi tamang ang babae ang unang gumagawa ng move upang mapansin at makatuluyan ang isang lalaki, nakababawas daw sa respeto at dignidad at nararapat lamang na ang lalaki ang unang kumilos at manuyo sa babaeng gusto niya. bagamat ako ay isa mga taong matindi ang paniniwala sa ganitong konsepto, may mga pagkakataong naiisip ko pa ring ito'y hindi makatarungan. tila ba tanging mga lalaki lamang ang may karapatang mamili ng taong nais nila at kaming mga babae ay maghihintay na lamang kung sino ang taong lalapit sa amin at mauunang magparamdam. paano kung hindi mo sila gusto, paano kung iba pala ang nasa isip mo? may ilang beses na rin akong napuno ng pagsisi dahil nanatili akong tahimik at hinayaang mawala ng taong gusto ko sa paniniwala ko sa konseptong unang nabanggit. ilang tao na rin ang aking pinanghinayangan dahil hinayaan ko silang mawala na lamang na hindi naipapaabot ang nararamdaman ko...matay ko mang isipin, maaring nauwi sa kung ano sakaling nauna akong magsabi o kung sinubukan ko man lamang...pwedeng dedmahin lang nila ako...pwede ring may nabuong kung ano man...pero hindi ko na malalaman dahil pinalampas ko na ang pagkakataon at kahit minsay hindi ko na maibabalik...ang iba kasi hindi ko na makikita...ang iba naman kahit ano pa ang gawin ay wala na ring silbi dahil may commitment na. sa panahong ito ay nakararamdam na naman ako ng kaba, dahil humaharap na naman ako sa ganitong sitwasyon...naduduwag akong ipaalaam sa kanya ang nais ko dahil sa konseptong pinaniniwalaan ko...na kahit minsan, sa kahit paanong paraan ay hindi tamang ikaw, na isang babae ang unang gagawa ng hakbang....
shagged on 9/06/2006 09:01:00 PM
Comments:
Post a Comment
|