.
![]() | ||
antics :: an-tics [an-tiks] ;funny gestures, a playful trick or prank. a buffoon, clown. rediculous interlude. ludicrous, funny. | ||
|
♥···name :: aubrey a.k.a. ohberry [oh! berrrrry]
| ||
| ||
|
August 2006 September 2006 October 2006 November 2007 December 2007 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 April 2009 June 2009 | ||
| ||
|
MY FRIENDS
+CFCYouth +CFCMULTIPLY +HurricaneKerrie +Superitik +LeoWyatt +Elibogs +Badge +DonnaBanana +Macoy +Roxy Heart +Kimber-ly +Witerary +MikeMina +AprilTheStrange Other Sites Worth Visiting +Jumong +Dooce Shag me... - Brandy Lyrics |
.
tuluyan na akong naluluong sa pagba blog. hindi ko na mapigilan at kadalasang sa halip na nagta trabaho ay nagba blog na lang ako ehem...at sa pag iikot ikot ko kanina sa internet ay napadaan ako sa ilang site ng mga phot bloggers...at ako'y...nainggit...kaya naman, dahil diyan, narito ang ilang mga larawang nais kong ishare...ito ang aking third family...sapulso...sapul ang pulso eto ang sapulso peeps ang SaPulso peeps ay binubuo ng mga taong napaka cool...na sanay sa ngaragan at patayan...sanay din kami sa gulatan...sa mga nakakagulat na balita at pangyayari, kahit paglaya ni erap o pagsabog sa batasan...mayroon kami niyan hindi man mayaman sa budget ang aming programa, mayaman namin kami sa tiyaga at sipag (ehem, kunware lang) at bonggang bongga naming pinagsisikapan ang pagbuo ng mga istorya ![]() we are the rose among the thorns...kuha ang picture na ito, isang sabado na hindi naman kami mashadong ngarag, pero nagdecide kami na pumasok, wala lang...dahil ganun ka importante sa amin ang isa't isa at gusto namen na nagkikita kita kami araw araw (siyempre, imbento ko lang yun, wala lang talaga kaming magawa sa bahay at bilang pang alis ng kainipan -na take note, kapag hindi inagapan ay nauuwi sa pagkasira ng katinuan- kaya nagdecide kaming pumasok para...magpicture) ako, si roxy, si jes at si dj eto ang mga kasamahan ko sa programa na mahilig maghanap ng kung anu ano (dahil sila ay researchers, by profession) eto si donna banna...a.k.a. deejay, mabait siya at brainy (tama ba yun?) pero kapag nainis, nambabalibag ng telepono huwahaha [ero nagso sory din sa mga taong naistorbo sa paligid niya dahil sa ingay ng binalibag na telepono eto naman si jessica...aka dyes...aka jolibi, yun na! hindi siya bubuyog, siya si macoy...aka big bird, normal siyanh tao (sa paniniwala niya) pero nakapagtatakang nilikha siya na may kakaibang laki at porma ng ulo, isasali namin siya sa ripley's dahil nakamamangha ang kanyang pagbabalanse sa mabigat niyang dinadala...ang kanyang ulo. meeting namen yan, at itong nasa malapit ay ang dati naming executive producer si mam madel ( we miss you) ![]() eto ang ginagawa namen sa opisina... kapag hindi nagba blog, kami ay... nagpi picture... petiks sa opis ako, si artsi (na pinaka hot sa aming lahat) at si jess...ang we are the...breaking news angels!!! eto si rox...ang kateam kong segment producer...marami na kaming pinagdaanang istorya...(at pagtatalo at pagbabati pagkatapos) mabait naman siya at kikay, ipinagmalaki niya sa amin kamakailan lang ang kanyang negosyo...ang KUTI-PUTI-KAT (tama ba rox) ang kanilang tinda, mga damit at iba pang kikay stuff... ito naman ay sa Oh lala resort (tama ang pagkakabasa nyo ng pangalan ng resort, with feelings dapat) yan si valerie tan sa gitna, isa sa aming hosts ako po ang beauty title holder kaya ako ang nasa gitna (inuulit ko lang ako ay RESEARCHER (nagtatawag, nagko coordinate, naghahanap ng story, hindi po ako katulong, personal assistant o yaya ng mga kasama ko dito sa picture...isa lang pong paalala) sa daru anak beach po sa camsur, hindi yan white sand. mga durog na corals yan at shells na naipon...dulot po iyan ng dynamite fishing![]() si rox...si terowie, ako, isa sa mga hosts namen na si atemhae, at si melissa na ngayon ay nasa programang tok tok tok na ng gma. shagged on 11/20/2007 10:42:00 PM
Comments:
Post a Comment
|