<!-- --></head><body><!-- --><div id="b-navbar"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-logo" title="Go to Blogger.com"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/logobar.gif" alt="Blogger" width="80" height="24" /></a><form id="b-search" action="http://www.google.com/search"><div id="b-more"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-getorpost"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/btn_getblog.gif" alt="Get your own blog" width="112" height="15" /></a><a href="http://www.blogger.com/redirect/next_blog.pyra?navBar=true" id="b-next"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/btn_nextblog.gif" alt="Next blog" width="72" height="15" /></a></div><div id="b-this"><input type="text" id="b-query" name="q" /><input type="hidden" name="ie" value="UTF-8" /><input type="hidden" name="sitesearch" value="iredenti.blogspot.com" /><input type="image" src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/btn_search.gif" alt="Search" value="Search" id="b-searchbtn" title="Search this blog with Google" /><a href="javascript:BlogThis();" id="b-blogthis">BlogThis!</a></div></form></div><script type="text/javascript"><!-- function BlogThis() {Q='';x=document;y=window;if(x.selection) {Q=x.selection.createRange().text;} else if (y.getSelection) { Q=y.getSelection();} else if (x.getSelection) { Q=x.getSelection();}popw = y.open('http://www.blogger.com/blog_this.pyra?t=' + escape(Q) + '&u=' + escape(location.href) + '&n=' + escape(document.title),'bloggerForm','scrollbars=no,width=475,height=300,top=175,left=75,status=yes,resizable=yes');void(0);} --></script><div id="space-for-ie"></div><!-- --><div id="b-navbar"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-logo" title="Go to Blogger.com"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/logobar.gif" alt="Blogger" width="80" height="24" /></a><form id="b-search" action="http://www.google.com/search"><div id="b-more"><a href="http://www.blogger.com/" id="b-getorpost"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/btn_getblog.gif" alt="Get your own blog" width="112" height="15" /></a><a href="http://www.blogger.com/redirect/next_blog.pyra?navBar=true" id="b-next"><img src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/btn_nextblog.gif" alt="Next blog" width="72" height="15" /></a></div><div id="b-this"><input type="text" id="b-query" name="q" /><input type="hidden" name="ie" value="UTF-8" /><input type="hidden" name="sitesearch" value="iredenti.blogspot.com" /><input type="image" src="http://www.blogger.com/img/navbar/1/btn_search.gif" alt="Search" value="Search" id="b-searchbtn" title="Search this blog with Google" /><a href="javascript:BlogThis();" id="b-blogthis">BlogThis!</a></div></form></div><script type="text/javascript"><!-- function BlogThis() {Q='';x=document;y=window;if(x.selection) {Q=x.selection.createRange().text;} else if (y.getSelection) { Q=y.getSelection();} else if (x.getSelection) { Q=x.getSelection();}popw = y.open('http://www.blogger.com/blog_this.pyra?t=' + escape(Q) + '&u=' + escape(location.href) + '&n=' + escape(document.title),'bloggerForm','scrollbars=no,width=475,height=300,top=175,left=75,status=yes,resizable=yes');void(0);} --></script><div id="space-for-ie"></div>
.

.

antics :: an-tics [an-tiks] ;funny gestures, a playful trick or prank. a buffoon, clown. rediculous interlude. ludicrous, funny.

Multiply Account Ko... klik mo!

♥···name :: aubrey a.k.a. ohberry [oh! berrrrry]
♥···age :: 23 turning 24 [pasweet]
♥···occupation :: tagahanap
♥···company :: ge-em-ey at kyu-te-ve
♥···indulgence :: sweets particularly chocolates
♥···motto :: magtanim ay di biro maghapong nakaupo, itlog mo itlog ko, itlog na pula

August 2006
September 2006
October 2006
November 2007
December 2007
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
April 2009
June 2009

MY FRIENDS
+CFCYouth
+CFCMULTIPLY
+HurricaneKerrie
+Superitik
+LeoWyatt
+Elibogs
+Badge
+DonnaBanana
+Macoy
+Roxy Heart
+Kimber-ly
+Witerary
+MikeMina
+AprilTheStrange


Other Sites Worth Visiting

+Jumong
+Dooce




Shag me...



- Brandy Lyrics

.



credits
design: ying
.

.


friends at lafang

i was inspired by my friend, vanessa's entry on her multiply account (naks van promotion) that the best way to enjoy and savor the taste of food is to eat and share it with friends. here are a few photos that i compiled while i was out, chasing the good food within the metro...

sa isang pambihira at talaga namang kagila gilalas na pagkakataon ay nagkita kita at muntik nang makumpleto ang college dabarkads...at bagamat kailangan pa namen maghintay ng ilang oras, ng bonggang bongga, ay napawi naman lahat ng inip at binawi na lang namen sa kain dito sa Dencio's malapit sa abs cbn (hay talaga naman)
annie, benjie, aubrey, alma, vannessa...haha hindi kasama si kathy wahahaha
ayan bumawi si kathy sa next pic, siya naman nangunguna


drop dead gorgeous aubrey, alma and vanessa (ang mga walang love life) mabuhay
kathy the school make up artist-turned grocery manager and annie the school treasurer turned production staff weighing 300 and 100 pounds...nyahaha sana wag nila mabasa to lagot

dahil sa record breaking event na ito pero not so fabulous na food...i give our bonding a five star, i give the food a three star
**********
isang makalangit at makaitlog na kainan (maka ITLOG?) ang napala namen sa heaven and eggs sa tomas morato... at katulad ng madalas na nangyayare, dahil kaka sweldo lang ay nagmayaman kami at naghanap ng ibang makakainan, para masabi naman namen sa aming magiging apo kapag kami tumanda na hindi coop at makati skyline ang tangi naming kinakainan nung kami empleyado pa ng gma

pacute lang kami ni ate eka

hindi naman kami mashadong malakas kumain...kaso lang kung ang iba, naha high sa inuman...kami naman sa kainan...bangag na agad haha

dahil sa masayang bonding masarap pero hindi gaanong fabulous na pagkain...i give it a four star
**********
ito ang pizza ni macoy...48 inches!!!! (tama ba macoy?) hindi man ako mahusay sa numbers sigurado naman ako na hindi ordinaryo ang pizza na ito dahil malaki pa sa mukha ko ang isang slice...kamusta naman at para sure na maubos mo ang isang slice ay kailangang hindi ka kumain mula umaga hanggang gabi para sure na gutom na gutom ka.

masarap sana pero medyo makunat na ang crust dahil sa layu ng pinanggalingan ng pizza na ito--- sa pampanga
dahil sa nakakalulang laki pero makunat na crust at nakakalokang reaksyon nameng lahat...i give it a three star
**********
minsan isang araw noong ako ay nasa melandjoey pa (6-18-07), kakasweldo lang at dahil malakas ang loob namin ni vanessa ay nag ikot ikot kami para humanap ng makakainan si timog...ang trip namen italian food...at nakita namen ang...tantanan...italianis
lamon lalaki ang ginawa namen...order...order...order
at kami ay napasubo hindi ng pagkain kundi ng mataas ng presyo ng food at duon...kahiyaan nalang hindi na kami makaka back out...bahala na, tipid tipid na lang sa mga susunod na kain para makabawi...
japan japan...pero italian food kinakain ko hehe
mmmm... at sinulit namen bawat hibla ng spaghetti at bawat sulok at kanto ng pizza at sinigurado nameng makakapasok sa aming tiyan...hindi kami maiisahan ng italiannis sarapissimo...susulitin namen ang aming pera...
sepia sepiahan para di mashadong halata ang katakawan.
dahil sa masarap na pagkain, masayang kwentuhan pero butas na bulsa at matinding kaba sa mataas na presyo ng pagkain...i give it a four star
*********
matagal na pinagpalanuhan ang isang dinner/meeting/bonding/reporting ng mga young people with pastor gani. wala man sila dito sa picture dahil nagkalimutan na kami at nagkagalit galit na sa kagutuman ay iisa isahin ko na lang sila...si weng, ren, grace, ako si aubrey, si mark, si obie, si jay, si noel, si aped, si jo, sio kuya ricky, si ate zeny (proxy ni kuya yok) si kuya joel, si sis liling at si pastor gani.
it was a feast, and it brought us great joy to see the satisfaction in pastor gani and sis liling's faces when they saw what we've prepared for them. nawala lahat ng pagod at lalong nagutom ang lahat, kung mukhang masarap para sa kanila ano na lang samen diba? roarrrrr
mukha lang bakante ang mga upuan. piniktyuran kona bago pa umupo ang mga kakain at magmukha itong dinaanan ng bagyo at tornado. imagine 12 horrific young people with a humungous appetite, all looking forward to a nice dinner. the food was outrageous
grabe parang mga well trained chef ang nagluto at naghanda...the best ka talaga chef obie (na seaman sa totoong buhay, seaman-aasar at seaman-uubos ng pagkain)

dahil sa mala-piyestang handaan, improvised na mantel, masarap na pagkain at di malilimot na bonding...i give it a five star!
*********
night's out with unang hirit researchers. payday na naman kasi. we were actually looking for a nice place to dine and this is what we've found...berhouz... a persian restaurant
ayus!
yan ang tinatawag na buttered rice...the rice comes with a big cut/piece of butter. melt it yourself nyahaha. i ordered it with lamb and chicken qebab. it took ten years for an additional ulam...my friends were already finished eating when the additional ulam was served
buttered rice na may malaking bloke ng butter at mabagal na serbisyo pero cozy na ambiance...i give berhouz a 2 star
**********
kape lang ito...sa hindi espesyal na lugar tulad ng figaro sa 4th floor ng kumpanyang aming pinagta trabahuhan...pero sa tindi ng daloy ng emosyon dahil sa sama ng loob ay isa na ito sa pinakamasayang meryenda ng buhay ko...matapos ang paghiwalay ko sa programang melandjoey na halos dalawat kalahating taon ko ring pinagsilbihan (at pinagkaswelduhan)
dahil sa masarap at nakaka release na bonding, mainit na kape at mainit na panahon...i give it a five star

shagged on 2/15/2008 12:12:00 AM

Comments: Post a Comment

l>