unang hirit christmas party 2008
sabi nga nila huli man daw at magaling...huli pa din nyahaha...ang sabi ko naman huli man magpost...nakapag post pa din...kaya kahit after ten years ang pagitan ng mga posts ko dito...wala ka nang magagawa hahaha eh blog ko to eh hahaha adik ka? anyways, gusto ko lang i share ang mga larawan ng moments sa aming masayang masayang christmas party sa unang hirit...na bukod sa umulan ng sangkatutak na prizes ah haha at pinalad akong manalo gn major prize... (si jc tiuseco ang prize ko)
kung naniwala ka eh malamang hindi ka fan ng gma dahil (una) hindi mo kilala si jc tiuseco at (pangalawa) hindi mo agad naisip na wala pa siya sa gma niyan dahil sa survivor philippines
gayunman, ito ang highlights sa bonggang bonggang party ng aking u.h. family na minsan sa isang taon, nagsasama sama ang mga taong sanay sa walang tulugan, o di kaya'y pagising ng umagang umaga at walang pagod na naghahatid ng balita, saya at inpormasyon sa umaga. time to shine namen kaya todo karir sa kompetisyon ng presentation...kahiya hiya mang ipakita ang iba sa mga iginagalang namen na staff at crew at nagbihis ng di ayon sa karakter at kasarian nila sa ngalan ng... cash prize syempre...pera pera na ito haha...katuwaan lang
ito naman ang dance presentation ng aming grupo...na-hire pa namen ang choreographer nina britney spears, michael jackson at justin timberlake...ganyan kami ka seryosong manalo...under my umbrella..ela.ela.ei...ei...di ka na mababasa..dina dina hinde hinde... silong na sa payong ko...jaymark anu iyan? magagalit si buma sa pinagagagawa mo ito lang naman ang audience namen nyahaha...pressure ito teh
kaso lang, second place lang kami...ito ang nag uwi ng gintong tropeo...kagalang galang na mga cameraman at assistant
ang mga sinaunang batch ng features haha ang original team ko sa u.h mga taped segments ang ginagawa namen dati at payapang natutulog sa gabi hanggang sa...mag live na kami at naging mga vampires harrrr
survivor philippines ang original na theme ng christmas party...may mga dumating na mukhang nilapa ng leon at naghalungkat pa ata ng mga lumang damit sa baol para warak warakin...ako ang gimik ko, kunwari ako si paula bediones...pero mali ang nabili kong sumbrero at napagkamalan akong staff ng enchanted kingdom sa log jam area hayan tuloy...may iba pa ngang nagtanong...asan daw ang kabayo ko? ya tigidig!!! party like there's no tomorrow...masayang nagsayawan kahit move to the left and right lang ang alam habang nakataas ang kamay...
for more photos, visit our site: http://www.unanghirit.tv/?p=1966
shagged on 2/23/2009 08:53:00 PM
|